Wednesday, September 1, 2010

Ang Paglaladlad ni Miguel

ni Miguel


Eight years old ako nung nagsimula akong makaramdam ng kakaiba towards my sexuality.

Dumating ako sa point na mas nageenjoy akong kalaro ay yung mga kapatid kong babae or mga kaibigan kong babae, pero minsan nakikipag-laro pa din ako sa mga kapitbahay naming lalaki.

Nagagalit ako sa kanila kapag tinatawag nila akong bakla. Alam ko kahit sa murang edad, alam ko na yun talaga ako pero ayokong tanggapin.

Sa nung elementary ako nagka-crush ako sa girl, pero eventually I realized.. DI KAMI TALO.

Nung high school na ako, sa all boys school ko na-realized at natanggap sa sarili ko na bading ako.

Dito ako natutong umibig sa isang kaklase kong lalaki ng palihim.

Dumating sa punto na ako ang gumagawa ng mga projects niya at home works niya.

Araw ng JS Prom, sinabi ko sa tatay ko na may susundo sa akin para kasabay kong pumunta sa venue ng prom.

Sabi niya, "Ok sige anak papuntahin mo na lang ang mga barkada mo dito para maihatid ko kayo dun."

Di ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob, pero sinabi ko sa kanyang di ko barkada ang pupunta kundi boyfriend ko.

Ni hindi nagbago ang expression sa mukha niya. Akala ko maglalabas siya ng baril at tututukan niya ako (dating pulis ang tatay ko)

Pero isang himala, eto ang kanyang sinabi "matagal ko ng alam anak, ikaw lang ang di makatanggap sa sarili mo na bakla ka"

Sinabi nya pa na "Bata ka pa lang, kitang kita na sa kilos at mga gusto mo na bakla ka, gusto mo si Darna at si Wonderwoman. Gusto ko maging masaya ka anak, tanggapin mo ang sarili mo na ganyan ka para matanggap ka din ng ibang tao. Di mo makukuha ang pagtanggap at respeto ng ibang tao kung hindi mo kayang ibigay yun sa sarili mo."

Huli niyang paalala: "Huwag ka lang gagawa ng mga bagay na ikakasira ng pangalan natin.."

Walang kapantay na ligaya ang naramdaman ko ng mga oras na yun. Dahil alam kong ang isa sa mga importanteng tao sa buhay ko ay tanggap ako.

3 comments:

  1. I wish my dad will tell me the same thing when I finally come out. =)

    ReplyDelete
  2. @ Desole - thanks :)
    @Eugene - he certainly will.. I can feel that :)

    ReplyDelete