ni Baklang Maton on the Road
Kahit ilang beses ko nang sinabi na ang paglaladlad eh hindi isang beses mo lang gagawin, at hindi sha isang moment na pag sinabi mong "Bakla ako." eh keri na at iisyuhan ka na ng SBN -- social bakla number. Pero tumatatak pa rin talaga sa utak ng isang beki mae kung kelan na unang sinabi yung mga salitang yun -- malakas man, may nakarinig man, pabulong sa hangin man, or sinabi mo lang sa billboard ni Jake Cuenca.
Nung bata ako, Susie ang tawag sa kin sa Pandacan. Short for Susan (Roces naman ateng hindi Susan Africa!) Ang mga hitad kong shupetbahay kasi pinag-gegera kami ni Amalia. Si Amalia naman yung isa pang pinaghihinalaang beki lou dun sa lugar namin. Pero kahit pinagsasabong nila kami ni Amalia never kaming nag-away.
We were close. Hindi yung level na best of friends. Hindi yung level na nag-sleep over kami sa balur ng isa't isa kasi magkatabi lang naman mga balur namin. Baka mapingot ako ni Dominga ng bonggang bongga pag di ako umuwi. Or baka boljakin ako ni Aling Dolor pag dun ako bumorlogs.
Masikip kasi sa balur nila. Madami kasing junakis sila Aling Dolor. At super luma na nung 2nd floor nila, yung sahig eh parang nilatag lang. As in pag tumalon ka, sa baba ka pupulutin. Kaya hinay hinay lang sa lakad. At sa sobrang dami nila, bata pa lang eh naniniwala na ko sa milagro. Kasi after 48 years, mukha pa rin giray giray ang hauslaloo nila pero nakatayo pa rin. 48 years na rin silang hindi tumatalon.
Hindi kami laging nagkikita ni Amalia. Kasi nung bata ako, pag dinadala ako ni Bibiana kay Dominga feeling ko eh nakakulong ako. Mas feel ko yung buhay sa iskwater. Araw araw pwede kaming maglaro ng patintero sa A. Luna. Pwede kaming mag-follow the leader sa bukid (pagawaan ng hollow blocks sa likod ng iskwater). Pwede kaming mag-RPG ni Totong.
Pag nandun ako sa Pandacan, pinapakiusapan pa ni Inay (ang lola kong si Dominga) sila Amalia, ang ate nya or ang kuya nya para samahan akong maglaro. Ako ang unica hija sa Pandacan. Ako rin ang bratinella. Ako rin ang tagaubos ng ulam ni Inay. At tagareklamo pag kelangan na bumorlogs sa hapon habang nakahiga sa folding bed ko na butas yung sa may pwetan.
Eventually nung hayskul eh dun na ko tumira ng tuluyan sa Pandacan. May mga okasyon na magkasama kami ni Amalia. Pag me birthday, pag fiesta, pag may concert sa Balagtas, pag may away sa riles... Pero hindi pa kami naglaladlad.
Pareho lang kaming biktima ng "baby beki syndrome" -- since pareho kaming malamya at maarte, in-assume na ng sambayanan na lalaki kaming beki. At dahil mabait naman ako talaga hindi ko sila kayang i-disappoint. Naging beki nga ako hehehe... Pero never namin napag-usapan ni Amalia na, "Oo bakla ako. Pareho tayo."
Nung minsan eh inutusan ako ni Valentina na bumili ng Lapid's. Nagpasama ako kay Amalia kasi mahabang lakaran itu. Habang naglalakad, nakaakbay ako sa bewang ng lola mo. Eh mejo malapad yun, big boned si bakla. Niloko ko sha, hinipo ko yung kembot ng bakla at inasar-asar sha. Aba gumanti ba naman. Sa kalagitnaan ng Quirino at Nagtahan, may dalawang baklang naghihipuan. Ang sagwa! Sabi nya bigla "Mamaya na lang sa bahay."
Si Amalia ang kauna-unahang beki na nakakembot sa kin. I never returned the favor. Nung time na yun, top pa ko. Naka naman! Ah basta di ko pa bet bumoda. Ang halay kasi! Beki sha eh di ko masikmura na magpaka-tomboy. Basta nagpaubaya lang ako ng ilang beses. Pero di ko pa rin inaamin sa kanya at lalo na sa sarili ko na masarap at gusto ko ang nangyayari.
"Bakla ka ba?" tanong nya minsan.
"Hindi ah!" tanggi ko. "Masarap lang kasi."
Bisexual. Bi. Bi-yot. Metrosexual. Isang metro na lang bakla na. Bi-curious. Straight tripper. Feel na feel ko na ganyan ako nung time na yun. Kung anuman yung meron kami ni Amalia, keri na yun. Basta masaya kami. Tumigil lang yun nung nagkaroon na ko ng ibang barkada sa hayskul. Di na ko umuuwi ng maaga, lagi na kong nasa mga barkada ko, at wala na kong time shumambay sa riles. Nung lumipat ako ng haus nawalan na rin kami ng communication.
Last month, biglang nag-text si Tita Valentina. Patay na raw si Amalia. Complication sa diabetes. Iba't iba pang sakit. Na-comatose sha ng isang linggo, and then Amalia was gone.
Kung nagkita kami before sha sinundo ni Lord, baka matawa kami sa isa't isa. Sa kanya ako unang naglaldlad. Sa kanya ako unang nadapa. Sa kanya ako unang lumandi. Kung tinanong nya ako noon baka di ko maamin ang totoo. Di ko nga maamin sa sarili ko eh. Pero sana nagkita muna kami bago sha sumakabilang-rainbow.
Amalia, kung nasaan ka man ngayon... maglaladlad na ko.
Aww. Moving.
ReplyDelete