ni Desole Boy
wala.
wala akong ganung moment. walang eksenang dramahan with family and friends. wala yung mga cliche na coming out stories gaya ng marami sa mga PLUs. pero meron akong coming out story. at eto yung isheshare ko.
rewind tayo. 16 years ago, i am your everyday kid. school-bahay-laro, nagpapapalit-palit lang ng sequence, pero puro iyon lang ang laman ng itenerary ko. may isang pangyayari na siyang tumatak sa kasaysayan ng aking kabaklaan. ganito yun.
"The kids would normally play moro-moro after class. To those of you city raised kids, moro-moro is like agawang base. It's boys versus girls. The little blokes would chase giggling girls so they could grab them in their arms then eventually carry them to their own base as their own hostages. Boys, with their God given speed and briskness obviously always win. The girls, happy enough to be chased; enjoying every moment of capture.
Though he's glad his team won, a boy would sometimes ask: how cool will it be to be chased then eventually get captured?"
natapos ang 6 years sa elementary at pumasok si high school. eto na yung panahong kaliwa't kanan eh nagsyosyotaan ang mga malalalanding binata't dalaga. syempre sali ako. niligawan ko si popular pretty girl ng campus. naturally, i was turned down. panget ako nung high school eh.
tapos nun mabilis lang ang mga pangyayari. nagkaro'n ako ng mga barkada. sumali sa lahat ng clubs at competition. nagkaron ng panibagong mga crushes. pero yun nga lang, hindi na sila mga babae. type ko na ang mga campus heartthrob! bigla na lang na havs ako ng line na: "uyy ang gwapo ni Renmar no?"
yun na! sya na ang unang gay crush ko. walang nabigla. walang nagviolent reaction. keber lang ang madlang people. naki-kilig sa mga kalandian ko. nakiboso sa mga lalaking natipuhan ko. masaya ako. tanggap nila.
at simula nun, ang mga alam kong kulay ay hindi na lamang red, blue, green, at black and white. nalaman kong meron palang fuchsia at mountbatten pink. cerulean at palatine blue. yun na ang simula ng masalimuot, mapait ngunit masarap at makulay na buhay bakla.
masalimuot...
dahil ayaw kong makulong sa terminong bakla. in this world with its obsession with labels, PLUs are battered with so many prejudices and stereotypes dawdling our effort in climbing the hierarchy of our unspoken "caste system" as we aim in standing side by side with them heteros.
fresh from my college days, trying my luck to land on my dream job in the country's leading network, i was asked: are you guy? in which i politely replied: i suppose that question is relevant with my job? then i added: kung para sa 'yo ang mga nagkakagusto sa kapwa lalaki ay bakla, bakla nga ako. kung para sa 'yo ang mahilig sa mga show-tunes at haute couture fashion shows eh bakla, bakla nga ako. pero dahil ang mga pinakamahahalagang tao sa buhay ko, ang aking pamilya, kailan ma'y hindi nagtanong at hindi ako inobligang magpaliwanag tungkol sa preference ko, i don't think i have the very obligation of answering that question. thank you. [haha..pang ms. universe lang ba?]
mapait...
dahil ang umibig sa kaparehong kasarian ay hindi daw tama. hindi tanggap ng lipunang nagdidikta ng tama at mali. mapait dahil maraming tao ang sarado ang isip. patuloy na itinatanggi ang katotohanang sa simula pa'y bumubulag na sa bawat isa. mapait dahil sa hindi matapos tapos na tunggalian. sa patuloy na pagsalag.
masarap at makulay...
dahil sa labang ito, kasama mo ang mga taong tinagurian ngang "malalamya at abnormal" ngunit siya namang pinakamatatapang at malalakas na taong pwede mong makilala.
coming out is a journey. hindi siya natatapos sa mga salitang "oo, bakla ako." o sa kabilang dako "oo, tomboy ako." it is a continuous struggle, a continuous battle for the truth.
sa istorya kong ito, isa ang gusto kong ipabatid. na ang pinakaimportanteng coming out ay ang pag-come out mo sa sarili mo. madadaya mo ang lahat, magagawa mong magpanggap sa lipunang taas kilay na nagaabang sa bawat kilos at pananalita mo, pero hindi sa sarili mong kilala ang bawat hinga at pag-utot mo. sa sarili mong kabisado ang abwat kumpas at indayog ng iyong katawan. dahil sa huli, talikuran ka ma't di unawain ng lahat, nandon ang sarili mong batid ang katotohanan ng iyong pagkatao. nagmamahal...
may walang katapusang pag-unawa.
No comments:
Post a Comment