By Buquir
Once upon a time, nanligaw ako ng mga babae.
Once upon a time, nagkunyari akong interesado ako sa sports.
Once upon a time, takot akong mag-suot ng pink.
Once upon a time, inisip ko na balang araw, ikakasal ako at magkakaroon ng pamilya.
Once upon a time, kasama sa pang-araw-araw na bokabularyo ko ang "pare" at "tsong".
Once upon a time, I was straight.
Well... pretended to be, anyway.
Then, one day, coming home from school, I found my mother waiting for me in our garage.
Seryoso ang mukha niya.
Kinabahan agad ako.
I checked my conscience to see if may nagawa ba akong kasalanan lately. Wala naman.
Pero kinabahan pa rin ako.
Lumapit ako sa kaniya at humalik sa kaniyang pisngi.
"How was school?" tanong niya, kalmado.
"Ok naman," I answered.
She nodded, and then said, "Halika sa loob."
I gulped and followed her to our dining room.
There laid out on the dining table were several copies of gay erotic story books I kept hidden in our library.
Nanlamig ang buong katawan ko.
Nakita ko sa isang sulok ng dining room si Inday, ang minamahal kong yaya, nakasilip sa may pinto, kabadong-kabado ang mukha para sa akin.
"Tell me what these are," my mother asked.
Isang libo't isang isipin ang pumasok sa utak ko.
What do I tell her?
Aamin na ba ako?
Do I deny na akin yun? Maybe I should tell her na the books belonged to my bestfriend and classmate, Donne, whom she knew was gay?
What do I tell her?
Maybe I should lie? Feign innocence?
What do I tell her?
And then the last thought was:
Hindi ba mas madaling sabihin ko na lang ang totoo?
So I told her: "Those are mine."
She closed her eyes for a moment. Medyo nanginginig siya.
When she opened them again, naluluha na siya.
"So bading ka?" ang tanong niya.
Sumagot ako, medyo pumipiyok, "Opo."
Sumagot agad siya, "Kaya mo pang gamutin yan."
Muntik na akong matawa, although there was nothing funny about the moment, "Hindi ito sipon, Ma."
Nag-kasagutan kami for about an hour more, I think. Hindi na malinaw sa akin ang mga nangyari kasi, sa totoo lang, gusto ko nang kalimutan ang naging reaksiyon ni Mama sa nalaman niya tungkol sa akin.
Hindi ko siya masisi. Pero I don't think pwede rin niya akong sisihin.
That happened about eight years ago.
A few months later, I moved out. It was just too stressful. They couldn't cope, I couldn't cope.
And I haven't been home ever since.
PInagsisihan ko ba na umamin ako?
Aaminin ko, sometimes, oo. Mahirap pala ang mag-isa, lalo na pag-holidays. Or pag may sakit ako.
Madalas naman masaya ako sa pagiging bakla. Masaya talaga ang mga bakla. Pero tanungin mo ang kahit na sinong bakla and I am sure, a lot of them would have preferred to be straight.
Masaya maging bakla, oo, pero mahirap din ito. Alam niyo yan.
If it weren't for my friends, I don't think I would have survived. God bless them all.
Kapag may nakikita ako sa opisina na baklang nagkukunyaring straight, pinipilit kong intindihin.
Mahirap mag-out eh. Alam niyo yan.
Hindi sakit ang pagiging bakla, pero there are times, lalo na pag-heartbroken ako, na winiwish ko na tama si Mama.
Sana nga ang pagiging bakla, pwedeng "gamutin" na tulad lang ng sipon.
Forgive me, fellow gays, for thinking that, pero ganun talaga eh.
Masaya talaga maging bakla, the freedom to express one's self so colorfully, the brilliant homosexuals you meet along the rainbow-colored road, the hot men you have casual flings with; obviously, may perks and priviliges talaga ang pagiging bakla.
Major major proud akong maging bakla. And I love the fact na kaya ko siyang ipagsigawan.
Pero sometimes, like in my case, coming out comes with a high price.
Iniisip ko madalas, saan kayo ako mag-papasko ngayong taon? Mag-babagong taon? Ano kayang ginagawa ng pamilya ko ngayon? Okay kaya sila?
Naiisip kaya nila ako?
Gaya nga ng sabi ko, masaya maging bakla, oo, pero mahirap din ito.
Alam niyo yan.
No comments:
Post a Comment