Tuesday, November 30, 2010

Siyam ni Melanie

Hangga't alam kong ako'y bakla...

Hangga't nararamdaman ko ang pagmamahal ng Diyos at ng aking pamliya...

Hangga't wala akong ginagawang masama...

Hangga't malinis ang aking hangarin...

Hangga't hindi ko tinatapakan ang kapwa ko para umangat...

Hangga't may paninindigan ako sa aking desisyon...

Hangga't may mga taong naniniwala sa aking kakayahan...

Hangga't napapasaya ko sila...

Hangga't may boses akong nagagamit para isigaw ang laman ng isip ko...

Deadma ako sa sey niyo tungkol sa aking pagkatao.

Eto lang ang masasabi ko sa inyo...

Wa-i akong care kung 'di niyo ako gusto...

Pati na rin sa inyong kuro-kuro.

Ang tanong?

Papansinin ko ba kayo?




(Basahin si Melanie dito.)

No comments:

Post a Comment