Kelan ba nagsimula ang diskriminasyon?
Sabi nila, nung nagkaron ng konsepto ng private property ang mga tao, nagsimula na ito.
Nung panahon daw ng slavery, walang problemang magjekjekan ang mga lalaki kasi superyor sila. Mababa kasi ang pagtingin sa mga babae – mga paanakan lang at walang maitutulong sa pag-unlad ng lipunan.
Noong panahon ng monarchy, maraming pwedeng gawin ang royalty (katulad ng orgy sa palasyo, lalaki man o babae) na hindi nila keri kung mahihirap ang gagawa.
Noong World War II, okey lang si Hitler sa homosexual relations sa pagitan ng mga Nazi soldiers (although nabago ito after some time) habang pinapatay naman ang mga nahuhuling baklang Hudyo at iba pa.
Nitong recent times, isang baklang kaibigan ko mula sa High School ang hindi pinapasok sa isang bar dahil nakabihis syang pambabae. Bakla ang may-ari ng bar.
May kinalaman ang salapi, o ang pagmamay-ari nito, sa usapin ng diskriminasyon.
Kaya siguro maraming mga baklang nagpupursigeng kumita ng pera para makabili ng condominium units o basta maka-akyat lang ng career ladder para makaiwas sa diskriminasyon.
At sa mga di maabot ang pangarap na bituin, tumatahimik na lang. Nagpapamhin. Nag-aasawa ng babae. Pumupunta sa bathhouse?
Treading the economic path was an easy way for many of us to escape discrimination. Sadly, some of us end up discriminating others, even our own.
And still, marami pa rin sa atin ang discriminated. Minsan, dahil bakla tayo. Minsan, dahil Pilipino tayo. Karaniwan, dahil mahirap tayo.
Maraming pwedeng gawin para solusyonan ang diskriminasyon. I guess, isa na don yung kanta ng Buklod na ni-revive ni Bamboo – na kailangang baligtarin ang tatsulok para tayong mga nasa ibaba ang nasa tuktok.
O diba, parang simpleng inverted pink triangle lang?
Hindi madali. Pero pwede. Pwede.
(Pwede nyong basahin si Kiks dito.)
maraming salamat po sa blog na ito ,dahil dito marami akong natutunan Sakit.info
ReplyDelete